Saturday, January 2, 2016

Pagpapawalang bisa ng kasal (Petition for Declaration of Marriage) Annulment sa Layman

REGARDING THE PETITION FOR DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE UNDER ARTICLE 36 OF THE FAMILY CODE PART II (commonly tinatawag na annulment dahil sa psychological incapacity):
Kadalasan tinatanong ako kung may annulment ba raw ng tatlong buwan lang.
My answer is always an emphatic NO!
May proseso ang pagpapawalang bisa ng kasal under Article 36.
Sa opisina ang una kong ginagawa ay ang tinatawag kong INITIAL INTERVIEW
STEP 1 INITIAL INTERVIEW: Tinatanong ko ang kliyente kung ano ang sitwasyon ng kanilang pag aasawa. Dito ko tinitingnan kung baka may ibang grounds pa para mapawalang bisa ang kanilang kasal. Minsan kase nakakapagpakasal kahit di sakto ang edad or kasado na pala sa ibang tao ang asawa bago pa nagpakasal sa client. Dito ko rin inaalam kung may psychological incapacity ba talaga. Kung malala ba talaga ito. Kung hindi na gagaling. Kung nakikinita na ba ito bago pa sila mag asawa at lumalala lang ng sila ay nag asawa na.
Ang psychological incapacity kase ay di nangangahulugang sira ulo ang asawa mo. Oo sira ulo siguro sa aspetong iresponsable, biolente, nangangaliwa or walang pakialam sa buhay mag asawa pero hindi sa aspetong kung sa bisaya pa "Nagasipa sipa na ug lata."
STEP 2 PREPARATION OF THE PETITION.Dito dinadala na ng kliyente ang mga testigo nya, marriage contract na NSO authenticated, birth certificate ng mga anak nila (Authenticated din.), titulo or proof of ownership ng mga ari arian na paghahatian sa opisina.
Kung nasa ibang bansa ang magfafile ng petition, ginagawa ang interview through SKYPE (Yep kung minsan 2am magigising ka dito though kadalasan ang client ang gising ng di sakto sa oras.) Sa mga kliyenteng nasa labas ng bansa, ang natapos na petition ay pinapadala sa kanila through courier at sila ang nagpapaautheticate sa embahada/ consulate ng Pilipinas na kung saan sila nagtratrabaho. Nagvavary ang cost nito sa kung saang bansa nangagagaling ang client. Kapag nauthenticate na (Commonly known as Red Ribbon which akala ko dati ay cakes lang hehehe) binabalik sa Pilipinas para ilagay ang mga attachments. Minsan nadedelay dahil ang testigo ay matagal makunan ng judicial affidavit. Mas mabalis pa bumalik ang petition kaysa sa makunan ng testimony ang testigo na nasa Pilipinas lang.
STEP 3. Kapag tapos na ang petition. Finafile ito sa korte. Kung walang ari arian nasa 5,000.00 lang ang filing fee pero kapag may ari arian na paghahatian tataas ang filing fee dahil ibabase ito sa value ng mga properties. I always suggest na ideclare ang mga properties dahil may kakilala akong nanullify na ang kasal nila pero hanggang ngayon nag aaway dahil nagpapatigasan sila kung sino ang may ari ng bahay dahil hindi ito na include sa proceedings.
Kapag nafile na sa korte maaring madismiss ang petition di compliant ng efficient use of paper rule (Yep may ganyan.) or dinidismiss lang just for fun (Joke lang.) which happens dahil may kaso ako na nag Motion for Reconsideration pa kami at nagrant naman sa awa ng Dyos.
OR Patuloy ang kaso.
Kapag ganito may hihintayin kang dalawang bagay:
1. Dispensation ng SOLGEN na ang fiscal/prosecutor na sa kung saan finile ang kaso.
2. Resulta ng Summons.
STEP 3 SUMMONS
Iseserve ang petition sa asawa ng nagfile. Usually pagsisikapan na matanggap yung summons dahil kailangan nyang magsubmit ng ANSWER . Paano ngayon kung palaging wala sa bansa dahil seaman or nagtratrabaho sa cruise ship? Kadalasan siniserve ito sa last known adress at kung wala pa rin nag aalternative service. Pinapublish ang summons.
Pwedeng sumagot o hindi ang kabilang partido. Ang pinakaimportante ay matanggap ang mga dokumento na galing sa korte ng asawa mo or malaman nya na may dokumentong dumating para sa kanya.
STEP 4 COLLUSION REPORT
Inorderan ng judge ang fiscal na magconduct ng COLLUSION INVESTIGATION. Dito pinapatawag ang dalawang partido para malaman kung kunwari kunwari lang ba ng mga pinagsasabi sa petition. Minsan dumadating ang mag asawa. Kadalasan ang nagfile lang ng petition.
As long as mafifind ng fiscal na walang collusion maari ng bumalik sa korte ang kaso.
STEP 4 SOCIAL WORKER REPORT
Maaring ipapagutos ng korte magkaroon ng case study ang isang social worker sa mag asawas.Kung minsan ang case study ay ginagawa na after pre trial. (Pag usapan muna natin ang pre-con at pre-trial.
STEP 5 PRELIMINARY CONFERENCE or PRE-CON
Dito iraraise ang fact na nacomply na ang mga jurisdictiona requirements ng kaso (publication for example kung kailangan or natanggap na ang summons at tapos na ang collusion report)

Mamarkahan din ang mga ebidensya.

STEP 5 PRE TRIAL
Iaapprove ang mga napagusapan sa pre-con or itatama ang mga mali sa pre-con.
STEP 6 TRIAL PROPER. PETITIONER
Pupunta na sa witness stand ang mga testigo ng nagfile ng petition (a.ka. petitioner). Kadalasan kaibigan, magulang, kapatid, anak at psychiatrist. Though not all the time kailangan ng psychiatrist.
STEP 7 TRIAL PROPER RESPONDENT
Pupunta na sa witness stand ang mga testigo ng kabilang partido kung nilalabanan ang petition. 

Kadalasan di na sumisipot ang asawa dahil wala ng pakialam, ayaw na mag aksaya ng oras or alam nya namang totoo lahat as long as walang COLLUSION.

STEP 8 DECISION
Magdedesisyon ang korte na igrant o di igrant ang petition.
Pag granted malaya ka na. Kapag hindi pwedeng iapela.
STEP 9 LALABAS ANG ORDER
Kapag lumabas ang order kailangan na itong isubmit sa LCR para ma annotate ang marriage contract mo na wala na itong bisa at lalabas sa CENOMAR na hindi na kayo mag asawa.
YUP up to here na lang. Kung mabilis ang proseso umaabot ito ng isang taon ngunit kadalasan two years lalo na kung may mga aberyang di hawak ng kliyente or ng abogado. SO THERE WALA PONG INSTANT ANNULMENT.
Baka interesado rin po kayo sa explanation bakit walang instant annulment na sa COTABATO

10 comments:

  1. Hi sir may gusto ko pong mapawalang bisa ang kasal namen

    ReplyDelete
  2. Hello po Sir,Gusto ko pong mapawalang bisa Ang kasal namen.I need help po.

    ReplyDelete
  3. Hi po..Ang pagiging adik or marijuana user ba ng asawa ay possible na gamiting grounds?

    ReplyDelete
  4. Pano po sir kung hindi sasagot sa summons

    ReplyDelete
  5. Kung nagloloko ang asawa puede po ba pawalang bisa yung kasal

    ReplyDelete
  6. Paanu kung yung lalaki may kinakasama att manganganak na yung knakasama niya, tapos lihim na nag pa kasal sa dating kasintahan, ngunitt hindi naman din nag sama, may karapatan pa ba ang kinakasama at ang nag iisang anak

    ReplyDelete
  7. Hi po maari po bang mawalang visa Ang kasal namin kung Yung Asawa ko po ay maslumala Ang pagiging Adik nya sa sabong at kung saan lahat ng kinikita nya ay doon na po napulunta at sa magulang nya sa amin po pag nabigyan po kami lagi nya pa pong sinasabi na magtipid kami at wag magastos mapapawalang visa po ba Ang kasal namin salamat po

    ReplyDelete
  8. Yung aking live in partner po kasi sya ay kasal. Hiwalay sila ng aking makilala. ngayon po. Gusto nya po ipa consult ang kanyang kasal. Sila po ay nagka kilala year 2008 at kinasal ng 2009 at nag abroad sya 2010,, 2013 umuwi sya 1month lang sya dito at back to abroad till to 2017.umuwi po syang naka detained ung kanyang misis sa kasong 5/11 no bail. Kinuhanan nya pa ng atty. And napag alaman daw nyang talagang sya ay niloloko na lang. drugs tomboy nanlalaki marami na raw po ang nakapag sabi saknya mula ng umuwi sya galing abroad at nakikipag live in sa tomboy. alam naman daw nya yung about sa nakipag live in sa tomboy pero wala na raw syang magawa dahil sya ay kasal na. Kaya nung year 2017 nalaman nya lahat hinayaan nya na sa kulungan 2018 nag guilty plea kaya nakalaya.

    ReplyDelete
  9. Almost 10 yrs na po kami hiwalay n mister pano po para mabilis ang walang bisa ng aming kasal

    ReplyDelete
  10. Hello po gusto ko po mapawalang bisa ang kasal namin ng asawa ko pde nyo po ba ako tulungan?

    ReplyDelete