Wednesday, January 13, 2016

Private Practice is Not Easy

Yes. I have thought about it.

Leaving private practice.

Abandoning variety for job security.

Private practice is not easy.

You perform numerous roles.

Litigator. CEO. CFO. Budget Officer. Administrative Officer. Head collecting agent.

Private practice is hard when the only money left in your bank account is the minimum balance and you still have to pay your employees.

Private practice is hard when you are on your own and there are numerous deadlines but your brain is one pile of mush.

Private practice is hard when you are exhausted from all the consultation and continuous hearings.

Private practice is hard.

And I have thought of leaving it.

But not today.

:)

Saturday, January 2, 2016

Pagpapawalang bisa ng kasal (Petition for Declaration of Marriage) Annulment sa Layman

REGARDING THE PETITION FOR DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE UNDER ARTICLE 36 OF THE FAMILY CODE PART II (commonly tinatawag na annulment dahil sa psychological incapacity):
Kadalasan tinatanong ako kung may annulment ba raw ng tatlong buwan lang.
My answer is always an emphatic NO!
May proseso ang pagpapawalang bisa ng kasal under Article 36.
Sa opisina ang una kong ginagawa ay ang tinatawag kong INITIAL INTERVIEW
STEP 1 INITIAL INTERVIEW: Tinatanong ko ang kliyente kung ano ang sitwasyon ng kanilang pag aasawa. Dito ko tinitingnan kung baka may ibang grounds pa para mapawalang bisa ang kanilang kasal. Minsan kase nakakapagpakasal kahit di sakto ang edad or kasado na pala sa ibang tao ang asawa bago pa nagpakasal sa client. Dito ko rin inaalam kung may psychological incapacity ba talaga. Kung malala ba talaga ito. Kung hindi na gagaling. Kung nakikinita na ba ito bago pa sila mag asawa at lumalala lang ng sila ay nag asawa na.
Ang psychological incapacity kase ay di nangangahulugang sira ulo ang asawa mo. Oo sira ulo siguro sa aspetong iresponsable, biolente, nangangaliwa or walang pakialam sa buhay mag asawa pero hindi sa aspetong kung sa bisaya pa "Nagasipa sipa na ug lata."
STEP 2 PREPARATION OF THE PETITION.Dito dinadala na ng kliyente ang mga testigo nya, marriage contract na NSO authenticated, birth certificate ng mga anak nila (Authenticated din.), titulo or proof of ownership ng mga ari arian na paghahatian sa opisina.
Kung nasa ibang bansa ang magfafile ng petition, ginagawa ang interview through SKYPE (Yep kung minsan 2am magigising ka dito though kadalasan ang client ang gising ng di sakto sa oras.) Sa mga kliyenteng nasa labas ng bansa, ang natapos na petition ay pinapadala sa kanila through courier at sila ang nagpapaautheticate sa embahada/ consulate ng Pilipinas na kung saan sila nagtratrabaho. Nagvavary ang cost nito sa kung saang bansa nangagagaling ang client. Kapag nauthenticate na (Commonly known as Red Ribbon which akala ko dati ay cakes lang hehehe) binabalik sa Pilipinas para ilagay ang mga attachments. Minsan nadedelay dahil ang testigo ay matagal makunan ng judicial affidavit. Mas mabalis pa bumalik ang petition kaysa sa makunan ng testimony ang testigo na nasa Pilipinas lang.
STEP 3. Kapag tapos na ang petition. Finafile ito sa korte. Kung walang ari arian nasa 5,000.00 lang ang filing fee pero kapag may ari arian na paghahatian tataas ang filing fee dahil ibabase ito sa value ng mga properties. I always suggest na ideclare ang mga properties dahil may kakilala akong nanullify na ang kasal nila pero hanggang ngayon nag aaway dahil nagpapatigasan sila kung sino ang may ari ng bahay dahil hindi ito na include sa proceedings.
Kapag nafile na sa korte maaring madismiss ang petition di compliant ng efficient use of paper rule (Yep may ganyan.) or dinidismiss lang just for fun (Joke lang.) which happens dahil may kaso ako na nag Motion for Reconsideration pa kami at nagrant naman sa awa ng Dyos.
OR Patuloy ang kaso.
Kapag ganito may hihintayin kang dalawang bagay:
1. Dispensation ng SOLGEN na ang fiscal/prosecutor na sa kung saan finile ang kaso.
2. Resulta ng Summons.
STEP 3 SUMMONS
Iseserve ang petition sa asawa ng nagfile. Usually pagsisikapan na matanggap yung summons dahil kailangan nyang magsubmit ng ANSWER . Paano ngayon kung palaging wala sa bansa dahil seaman or nagtratrabaho sa cruise ship? Kadalasan siniserve ito sa last known adress at kung wala pa rin nag aalternative service. Pinapublish ang summons.
Pwedeng sumagot o hindi ang kabilang partido. Ang pinakaimportante ay matanggap ang mga dokumento na galing sa korte ng asawa mo or malaman nya na may dokumentong dumating para sa kanya.
STEP 4 COLLUSION REPORT
Inorderan ng judge ang fiscal na magconduct ng COLLUSION INVESTIGATION. Dito pinapatawag ang dalawang partido para malaman kung kunwari kunwari lang ba ng mga pinagsasabi sa petition. Minsan dumadating ang mag asawa. Kadalasan ang nagfile lang ng petition.
As long as mafifind ng fiscal na walang collusion maari ng bumalik sa korte ang kaso.
STEP 4 SOCIAL WORKER REPORT
Maaring ipapagutos ng korte magkaroon ng case study ang isang social worker sa mag asawas.Kung minsan ang case study ay ginagawa na after pre trial. (Pag usapan muna natin ang pre-con at pre-trial.
STEP 5 PRELIMINARY CONFERENCE or PRE-CON
Dito iraraise ang fact na nacomply na ang mga jurisdictiona requirements ng kaso (publication for example kung kailangan or natanggap na ang summons at tapos na ang collusion report)

Mamarkahan din ang mga ebidensya.

STEP 5 PRE TRIAL
Iaapprove ang mga napagusapan sa pre-con or itatama ang mga mali sa pre-con.
STEP 6 TRIAL PROPER. PETITIONER
Pupunta na sa witness stand ang mga testigo ng nagfile ng petition (a.ka. petitioner). Kadalasan kaibigan, magulang, kapatid, anak at psychiatrist. Though not all the time kailangan ng psychiatrist.
STEP 7 TRIAL PROPER RESPONDENT
Pupunta na sa witness stand ang mga testigo ng kabilang partido kung nilalabanan ang petition. 

Kadalasan di na sumisipot ang asawa dahil wala ng pakialam, ayaw na mag aksaya ng oras or alam nya namang totoo lahat as long as walang COLLUSION.

STEP 8 DECISION
Magdedesisyon ang korte na igrant o di igrant ang petition.
Pag granted malaya ka na. Kapag hindi pwedeng iapela.
STEP 9 LALABAS ANG ORDER
Kapag lumabas ang order kailangan na itong isubmit sa LCR para ma annotate ang marriage contract mo na wala na itong bisa at lalabas sa CENOMAR na hindi na kayo mag asawa.
YUP up to here na lang. Kung mabilis ang proseso umaabot ito ng isang taon ngunit kadalasan two years lalo na kung may mga aberyang di hawak ng kliyente or ng abogado. SO THERE WALA PONG INSTANT ANNULMENT.
Baka interesado rin po kayo sa explanation bakit walang instant annulment na sa COTABATO

Bail 101

A few days back, I realized that some prisoners in jail are not even aware that they have the option to post bail frown emoticon
Thus I am posting it here:
Kung may kaso po ang mga kakilala nyo at nakulong ang unang una nyo pong hingin sa korte ay ang resolution at information. Makikita po doon kung pwede bang pyansahan (Bail) ang kaso. Dahil kung nakapagpyansa ang tao pwede po syang makalaya.
This may seem so simple to a lawyer pero sa ibang tao pala ang hirap nito.