Isa ito sa kalimitang tinatanong sa akin sa aming programang Straight To The Point sa Radio Mindanao Network 927 ni Kasamang Bong Gonzales.
Ang arraignment ay isang proseso sa husgado kung saan binabasa sa akusado ang kasong inaakusa sa kanya. Ito rin ang panahon kung kailan nya pwedeng sabihin na may kasalanan sya o wala. Nirerehistro ng akusado ang kanyang plea na GUILTY (may kasalanan) o NOT GUILTY (walang kasalanan) sa tulong ng kanyang piniling abogado.
Kalimitang ang court interpreter, ang akusado at ang kanyang abogado lamang ang nagsasalita sa parte ng proseso sa korte na ito.
Maaring hindi rin muna mag pa arraign ang akusado lalo na kung kinakailangan pa ng iba pang proseso katulad na lang ng paghain ng motion to quash of di kaya ay motion for reinvestigation na kung papaboran ng korte ay magreresulta sa pagpapawalang bisa ng akusasyon at pagpapawalang sala sa akusado.